Karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng otitis media ay ang pagkakaroon ng sipon o sinusitis. Kumakalat ang impeksiyon sa nasal passages at tumutuloy sa eustachian tubes na nakakonekta naman sa gitnang bahagi ng taynga. Itinuturong dahilan din ng otitis media ang pagtalon o pag-dive sa tubig na hindi hinawakan ang ilong, dahilan para ang infection ay puwersahang papasok sa taynga.
Nararapat na malinis na mabuti ng dokor ang bahaging may impeksiyon sapagkat maaaring maging paulit-ulit ito hanggang sa magkaroon ng luga (glue ear) ang pasyente. Kapag nangyari ito sa sanggol o bata, maaari siyang mabingi.
Nararapat na bigyan ng antibiotic at external heat ang pasyente upang mawala ang pananakit ng taynga. May mga kaso na ang antibiotics ay hindi nagiging mabisa kaya kinakailangan na ang anincision sa eardrum upang maalis ang nana. Ang ganitong pamamaraan ay makapagbibigay- ginhawa sa pasyente at mababawasan ang nadaramang sakit.