Biglaan ang binyagan sabi ni Pareng Tonying. Lagi raw nagkakasakit ang bata. Hindi rin daw ito madala kung saan-saan upang maiwasan ang masamang hangin at masamang espiritu.
Noon ko nalaman ang mga sistema ng pagbibinyag sa baryo. Ako pala ang dapat bumili ng damit na isusuot ng bata. Kulay rosas pala ang kailangan dahil babae ang aking aanakin. Ako rin ang nagbayad sa simbahan. Ako rin ang nagbayad ng pamasahe papunta at pauwi galing ng simbahan.
At sa dakong huli ang pagbibigay ko ng pakimkim sa bata. Ang pagbibigay ng pakimkim ay upang masimulan ang pag-iipon ng bata.
Marami akong nalaman sa binyagan sa nayon. Doon ay kakaiba. Masaya ang binyagan at higit sa lahat nagkaroon ako ng kumparet kumare sa nayon.