Dalawang beses namin itong pinalabas sa BITAG, ABC-5. Unang episode, September 14 at ni-replay namin ito noong October 19, taong kasalukuyan.
Huli ng aming surveillance camera sa pamamagitan ng aming undercover na nagpapapasok ang mga hayupak na pamunuan ng motel sa mga menor de edad.
Nitong December 1st, nagsara na ang U-BELT Apartelle. Wala kaming pakialam kung ano ang kanilang dahilan. Ang mahalaga, wala na ang salot na establisimiyentong parausan ng tawag ng laman. Karamihan sa mga parukyano ng U-BELT ay mga estudyante.
Alam ng may-ari ng Wise Hotel Group of Companies na si Wyden King na hindi kami titigil sa BITAG hanggat hindi namin nakakamtan ang tamang kahihinatnan. Malamang umiwas na lang ang mga dupang sa amin.
Bagamat sarado na ang U-BELT Apartelle, tuloy ang aming pagmamanman. At ikaw Kabaong, makinig ka! Wak na ikaw pakialamelo ha! Hindi uubla iyo tlabaho pagiging padlino. Eto, kita mo salado negosyo iyo kabalahibo."
Kahapon ng madaling-araw, bandang alas dose, isang board member ng Laguna ang napilitang humarap sa aming camera na hindi muna namin papangalanan at titirhan namin ng konting mukha.
Panoorin nyo na lang ngayong January 4, Sabado, alas singko ng hapon. Kilalanin ang hunghang at alamin kung ano ang kanyang dahilan kung bakit ginamit niya ang sasakyang pang-gobyerno sa kanyang pang-good time.
Pinatawag ko yung gago na lumabas ng Classmate KTV upang humarap sa camera at magpaliwanag. Tumugon naman yung mokong na board member. Habang nangangatog ang tuhod, kulang na lang ay maipot sa kanyang salawal.
Ganito ang inyong sasapitin kapag kayoy nahulog sa aming BITAG.
E-mail us: bitagabc_5@yahoo.com/bahalasitulfo@hotmail.com