Ako ay isang overseas Filipino worker na naging miyembro ng Pag-IBIG noong 1997. Ang buwanang hulog ko ay $20.00 at nakapag-hulog na ako ng isang taon. Gusto ko sanang malaman kung puwede akong mag-housing loan? Ano ang kailangan kong gawin para maka-utang? Magkano kaya ang puwede kong utangin?
Magbabakasyon ako sa Pilipinas at nais kong magpunta sa inyong opisina upang ayusin ang mga papeles sa pag-utang. Maraming salamat. Mr. C.R Magdael Sr.
Kailangan Mong i-reactivate ang iyong membership sa Pag-IBIG dahil hindi naging tuluy-tuloy ang pagbabayad ng iyong kontribusyon. Kailangang updated ang iyong kontribusyon bago ka makapag-housing loan. Upang malaman ang ibang detalye sa housing loan, gaya ng halaga ng mauutang, at mga kailangang dokumento, pinapayuhan kitang magtungo sa tanggapan ng Pag-IBIG Overseas Program sa 6th Floor, Atrium Building, Makati Avenue, Makati City. Maaari kang dumaan sa aking tanggpan na nasa tapat lamang ng Pag-IBIG POP Office.
Para sa mga katanungan, maaari kang sumulat sa Office of the Chairman, Housing and Urban Development Coordinating Council, 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.