Marami na ang nasulat at bugbog sarado na kayo sa mga detalye ng kalunos-lunos na krimen na ito. Hinawakan muna ng CIDG at pagkatapos, ipinasa sa National Bureau of Investigation ng magkalokohan ang imbestigasyon. Naintindihan natin nang sabihin ni Director Reynaldo Wycoco na itoy isang kaso na hindi madaling lutasin. Amen. Naiintindihan din natin na ang pag-ikot ng gulong ng katarungan ay lubhang napakabagal, sapagkat silay nagsisiguro na walang mali. Amen. Walang masama run. Kahit na si Kaye Torres, ang anak ni Nida ay nagpahayag na handa siyang mag-antay. Hanggang kailan? Hanggat kailangan.
Naghain ng demanda ang NBI-NCR laban kina Rod Strunk (asawa ni Nida), Philip Medel, tatlong security guards ng Atlanta Towers at mga John at Jane Does. Mga taong pinaghihinalaan hindi lamang ng mga awtoridad, kundi pati ng taumbayan. Naiintindihan din natin ito dahil karamihan sa mga nag-iisip na publiko, ay gumawa na ng kani-kanilang teorya, maaari nga na may kinalaman ang mga nademandang tao.
Ang hindi ko maiintindihan at siguro marami rin sa inyo, Bakit ang mga may-ari ng Atlanta Towers ay hindi nasama? Hindi man sila inihabla. Di bat may pananagutan ang mga ito? Wala ba?
Nang mag-krash ang eroplano ng Laoag Airlines, hindi ba pati may-ari ay dinemanda? Yung bus na nahulog sa bangin kung saan marami ang nasugatan at nasawi, hindi bat pati may-ari ng bus, sabit? Nung nasunog ang Ozone Disco, hindi ba pati may-ari dinemanda? Bakit ang Atlanta Towers? Sino ba ang mga Herodes na may-ari nito na ligtas sila sa prinsipyo ng command responsibility? Hindi kaya nagtatanong si Kaye Torres o ang kagalang-galang na dating pinuno ng Comelec na si Atty. Harriet Demetriou, bakit hindi kasali ang may-ari ng Atlanta? Bakit kaya hindi kasali ang may-ari ng Atlanta Towers, Dir. Wycoco bakit Atty. Edmund Arugay, na ngayoy isa ng Regional Director ng NBI? Anong dahilan at hindi sila dapat managot, ganun sa parking lot sa loob ng building pinatay si Nida Blanca? Bakit yung tatlong security guards lamang ang sabit? Maraming haka-haka at akusasyon ang lumalaganap at itoy pinalalakas lamang ng hindi isali ang mga may-ari ng gusaling ito. Oo ngat mga security guards na inupahan ng mga may-ari ng Atlanta, ang nagbabantay ng gusali at ng mga nag-rerenta rito. Alam dapat ng mga may-ari kung ano ang sistema ng pagbabantay sa loob ng kanilang building. Wala ba silang pakialam at renta lamang ang inaatupag?
Ito ang tinatawag na The $64 question. Baka naman mas mahal pa sa $64 ang pinag-uusapan. Anong palagay ninyo? Dapat bang isali ang mga may-ari ng Atlanta Towers Center Building sa demanda o hindi? I-text nyo ang inyong opinion sa 0917-990-4918 o tumawag sa CALVENTO FILES, 778-8442 mula alas-10:00 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.