Hindi ako tatanggi. Saan ba ang kasalan?
Mamamanhikan pa kami, pagpapaliwanag niya.
Ano? Uso pa ba yan e me edad ka na? Siguroy 10 taon lang ang tanda ko sa kanya noon.
Kasama ka Ninong, sa pamanhikan. Ikaw ang spokesman ko.
Aprub.
Naganap ang pamanhikan isang gabi. Sinimulan ko ang usapan. Ako ang nagsalita. "Gusto na pong manahimik ng mga bata.
Umiyak ang nanay ng babaing mapapangasawa ni Pitoy.
Mawawalan na kami ng anak, sabi.
Pasensiya na kayo, ganyan talaga ang hahantungan ng babae at lalaki.
Waring nagustuhan ng ina ang aking sinabi kung kayat siya ay kumalma. Subalit bigla-bigla na lamang at muli siyang umiyak at nagsabing Minahal namin ang aming anak, sana mahalin mo rin Pitoy.
Aalagaan ko po ang inyong anak at mamahalin ko po siya ng labis.
Pinag-usapan ang detalye ng kasal.
Mayroon lamang akong dalawang kondisyon. Una, ang kasal ay dapat na isagawa kapag ang buwan ay bilog. Ikalawa, gusto ko ng pinaka-engrandeng kasalan na unang masasaksihan ng buong baryo.
Opo, susundin ko po ang dalawang kondisyon, ayon ni Pitoy at pagkatapos ay tumingin sa akin at nagkibit-balikat.
Nang pauwi na kami ay tanong sa akin ni Pitoy, "Ano ang aking gagawin, Ninong?
Napatawa ako ng lihim.