Lingid sa kaalaman ni Marta, ipinagbili ni Arsenio ang lupang 1052 sa halagang P20,000. Hindi rin ibinigay ni Arsenio ang parte ni Marta. Nalaman lamang ito ng anak ni Marta na si Solita nang mamatay ang kanyang ina dahil babayaran niya ang buwis para sa dalawang lupa. Nang hindi binigyang pansin ni Arsenio na mag-usap sila ng anak ni Marta tungkol dito, idinemanda ni Solita at ng kanyang mga kapatid si Arsenio. Dahil hindi ibinigay ni Arsenio ang parte ng kanilang ina ng ibenta ang lupang 1052, dapat hiniling nina Solita na ang lupang 1091 ay ibalik kay Marta o sa kanyang mga tagapag-mana bilang co-owner. Tama ba sila?
Tama. Ang layunin ng dokumentong pinirmahan ni Marta ay para mapadali ang pagpapatitulo ng dalawang lupa. Walang pag-aalinlangan na ang mga lupang ito ay kapwa pag-aari ng magkapatid na Arsenio at Marta. Kaya nang ibenta ni Arsenio ang lupang 1052 at hindi ibinigay ang parte ni Marta, nararapat lamang at naaayon din sa batas na ang lupang 1091 ay mapunta sa mga tagapagmana ni Marta na sina Solita at ang kanyang mga kapatid. Kahit mas malaki ang sukat ng lupang 1091 ng tatlong metro kuwadrados sa lupang 1052, hindi ito sapat upang hatiin ang diperensiya sa magkabilang panig (Imperial vs. Court of Appeals, et. al., G.R. 102307, July 7, 1996).