Ang filariasis ay nanggagaling sa kagat ng babaing lamok. Unang maaapektuhan ang bahaging singit, kili-kili, paa at bayag at magkakaroon ng mga kulane. Ang sintomas ng filariasis ay ang matinding pananakit ng ulo at lagnat na matagal gumaling. Bagamat walang komplikasyon ang filariasis grabe namang paghihirap ang tinitiis ng mga maysakit nito.
Sinabi pa ng DOH na maraming may filariasis sa lalawigan ng Palawan ng Mindoro, Romblon at Sorsogon. Isang taga-Sorsogon na biktima ng filariasis ang dumadaing sa hirap at sinabi na mamabutihin pa niyang mamatay. Lumaki ang kanyang mga bayag. Hirap na hirap siyang kumilos. Hindi na siya makapagtrabaho sa bukid at umaasa na lang sa tulong ng kanyang mga kapitbahay.
Ang pag-iingat sa mga lamok na nagdadala ng filariasis ay dapat gawin. Maging malinis sa kapaligiran. Itapon ang mga bagay na maaaring pagbahayan ng mga lamok. Nararapat namang umaksiyon ang DOH sa paglaganap ng filariasis.