Pero kung hindi alam ni Gutierrez ang jueteng ni Lopez na may codename na Del Mar, bakit binabanggit niya ang pangalan ni SPO4 Art Cabatic ang bagman ni Maj. Ronnie Olay, ang hepe ng CIDG Field Office South? Ipinagyayabang ni Lopez na P3,000 kada linggo ang intelihensiya niya kay Cabatic. He-he-he! Mas magaling palang mang-amoy ang mga K-9 ni Olay kaysa sa mga alaga ni Gutierrez.
Kung sabagay, itong si Olay at Cabatic ay ipinatawag na sa Camp Crame noong nakaraang linggo, ayon sa mga pulis na nakausap ko. Anila, sinabihan pala si Cabatic na maglie-low hanggang tumining na nga ang kalakaran sa SPD area. Titigil din yan, yan umano ang payo ng mga opisyales ng CIDG kay Olay at Cabatic ukol sa patuloy nating pagbubulgar ng kanilang ilegal na gawain.
Subalit matigas talaga ang ulo ni Cabatic. Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na kahit may warning na siya, patuloy naman ang pag-uusap niya kay Lopez lalo na sa tatlong kabo nitong sina Nyop, Danny at Phillip. Siguro ang dahilan ni Cabatic hindi naman siya abot ni Olay, di ba mga suki? Kung sabagay nabukulan na ni Cabatic at SPO4 Leo Palatao si Olay sa Myfer Club kung saan pinitik nila ang halagang P20,000, ayon sa mga pulis na nakausap ko. He-he-he! Bumbero rin pala si Cabatic.
Hindi lang si Cabatic ang babantayan natin ngayon kundi pati si Capt. Matillano, hepe ng SOG at SAT ng CIDO sa Camp Crame. Mukhang may relasyon si Matillano sa hepe ng CIDG na si Chief Supt. Eduardo Matillano kayat matikas ang dating niya sa mga gambling lords at establishment owners sa Roxas Blvd. May basbas kaya ng batang Matillano itong sina Ronniel Tuazon at Rey Abiog?
Capt. Matillano bilasa na ang pangalan mo sa labas Sir, kaya kumilos ka na!