Dahil sa aksidente, nakasuhan sina Milo at Nestor ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries. Subalit si Milo lang ang nalitis dahil si Nestor ay nagtago.
Ayon kay Milo, tumatakbo ang kanyang dyipni sa bilis na 30 km. per hour nang makita niya ang truck sa layong anim na metro, pero inamin niya na ang pokus ng kanyang headlights sa dim position ay 20 metro. Sa huli, inamin din niya na nakita niya lang ang truck nang mabangga ito. Isinisisi niya kay Nestor ang aksidente dahil nagpabaya ito sa maling parking at sa kawalan ng warning device. Si Nestor daw ang dapat managot. Tama ba si Milo?
Mali. Sabi ng Korte, kung talagang tumatakbo si Milo ng 30 km. per hour, hindi siya mawawalan ng kontrol. May sapat na panahon pa siyang maiwasan ang truck. Mabilis ang kanyang takbo at walang sapat na pag-iingat. Nagkaroon siya ng kapabayaan bilang driver. May kontribusyon din si Nestor sa aksidente.
Makukulong si Milo ng isang buwan at isang araw at magbabayad sa pinsalang natamo ng kanyang mga pasahero (Austria vs. CA G.R. 133323 March 9, 2000).