Nang dumalaw ako sa nayon ay nakita ko siyang nakatayo sa may tindahan at parang problemado.
Nasaan na ang traysikel mo? tanong ko bilang pagbati.
"Nawala na Doktor, sabi niyang may kalungkutan.
Anong nangyari? Ibinenta mo ba? Naaksidente ka ba? Sunud-sunod kong tanong dahil sa pagkagulat.
Hindi ko ibinenta at hindi rin ako naaksidente. Bigla na lamang itong hindi umandar. Wala na akong traysikel.
Nasira na? Hindi na maaaring kumpunihin Binong?"
Gastado na Doktor. Bulok na ang piyesa, pati kaha, sagot ni Binong.
Nag-impok ka ba mula sa iyong kinita para makabili ng bago?
Matagal bago nakasagot si Binong. May lungkot sa tinig ng sumagot. Iyan ang hindi ko ginawa. Ang alam ko lang, may kita ako araw-araw. Ang akala ko magtatagal ito habambuhay tulad ng lupa. Hindi pala. Hindi ako nakapag-ipon ng pera para pambili ng piyesa. Maling-mali ako Doktor.
Ano ngayon ang pinagkakakitaan mo? Tanong ko.
Balik sa pagsasaka Doktor. Mabuti pa ang lupa at panghabambuhay.