Ayon sa aking bubuwit, 68 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Manong Neal Cruz, Annie Urbano, Waldy Urbano, Joseph Geocado, Grace Bendicion, Donald Astronomo, at Mr. Joseph Lau ng McDonalds Philippines.
Ayon sa aking bubuwit, ang raket ni Sister este Father ay ang pagpapa-repair kunwari sa kanilang simbahan. Nakikita kasi ni Father na nasa construction ang pera. Kasi meron pala itong komisyon sa bawat construction o project.
Ang tindi mo Sister este Father!
Ang tindi mo Sister este, Father! Dapat yata sa iyo ay ipako sa krus.
Katulad na lamang ng grotto ng Lourdes sa kanilang simbahan, maayos naman pero ito ay kanyang ipinagiba.
Ipinagiba rin niya ang dalawang school building na nagkakahalaga ng ilang milyon samantalang maayos pa naman.
Heto na kamo, naubos ang pondo kaya tigil din ang construction ng ipinagibang gusali.
Ayon sa aking bubuwit, kahit malaki ang nalilikom na donasyon, ito ay nauubos dahil maluho si Father.
Miyembro kasi ng federasyon si Sister este si Father kaya ang dami nitong kaartehan. Madalas siyang mag-abroad at ang gastos ay mula sa donasyon. Kapag nag-birthday ay bongga rin.
At dahil maluho si Sister este Father pala, ang kinakaibigan ay mga rich para makahingi ng malaking donasyon.
Dati ay kaibigan din niya ang isang contractor subalit ngayon ay magkagalit na dahil may utang pala si Father na P15 million.
Ayon sa aking bubuwit, ang parish priest na bading na inirereklamo na ng kanyang parokya ay walang iba kundi si Sister este Msgr. M. as in Manay ng Ilog Pasig.