Bakit nga ba napakahalaga para sa atin ang mabuhay sa mundong ito kahit na napakaraming problema ang hinaharap araw-araw? Marahil ay may ibat iba tayong pananaw sa katanungang ito subalit iisa lamang ang hangarin at panalangin nating lahat. Ito ang mabuhay sa mundong ito sa piling ng ating mga mahal sa buhay.
May kasabihan na ang kalusugan ay malaking kayamanan. Subalit, bilang mga mortal na tao, dumaranas tayo ng pagkakasakit gustuhin man natin o hindi. At sa sitwasyong ito kailangan natin ang mga doktor para maisalba ang buhay. Kailangan natin sila para mangalaga sa ating katawan.
Ang mga doktor ay nagdanas ng maraming taong paghihirap at gumugol ng napakalaking salapi sa pag-aaral at pagsasanay upang makapanggamot. Hindi maipagkakaila ang kahalagahan ng mga doktor sa ating buhay, subalit may mga taong nagpapasama sa kanila sa kabila ng pagseserbisyo katulad ng mga nasa likod ng Malpractice Bill.
Maraming beses na akong sumailalim sa mga doktor hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati sa US at iba pang bansa. Napatunayan kong mas higit na magaling ang mga doktor at nurses sa Pilipinas. Hindi pera ang tanging ma-halaga sa kanila. Ilan sa kanila ay ang cardiologist na si Dr. Rosario Sevilla, Endocrinologist Dr. Cynthia Manabat, Neorologist Dr. Aida Salonga at Anesthesiologist Dr. Susan D. Macabuhay. Tapat kayong mga doktor. Champion din sa serbisyong bayan ang Perpetual Help Medical Center.