Kung totoo ito, bakit tila nagpapa-pogi pa? Remember, si Enrile at Da Miriam ay tumakbo at natalo noong 2001. Very visible lately si JPE sa ibat ibang forum para magpa-pogi.
Madaling magpa-guwapo. Simply ride on the crest of the peoples sentiment. Batikusin ang gobyerno o ibang institusyon ng pagpapahirap sa taumbayan at presto, magiging popular ka.
Iyan ang ginagawa ni JPE. Paboritong "punching bag" ni JPE ang Meralco na pag-aari ng mga Lopez. Iregular daw ang pagtataas nito ng singil sa nakalipas na mga buwan."Meralco has been fleecing hapless customers" aniya.
Pero ayon naman sa Energy Regulatory Commission, walang mali sa pricing ng Meralco. "Its still less than P2 per kilowatt hour" ani ERC chair Leticia Ibay. Kung mayroon man daw pagtataas sa presyo ng kuryente, itoy dahil nagbago ang halaga ng dolyar at fuel cost. Ang ERC ang nagmo-monitor sa halaga ng kuryente. Kung may katiwalian, ito ang unang aangal.
Ang mga pagbabago raw sa purchased power adjustment ay dahil nagbago rin ang selling rate ng mga suppliers, lalo na ng NAPOCOR na siyang pinagkukunan ng 68 porsyento ng itinitindang elektrisidad ng Meralco. Ang nalalabing 35 percent ay mula sa mga independent power producers. Mula pa raw noong Pebrero l994 ay hindi itinataas ng Meralco ang distribution charge nito.
Nanguna si Enrile sa pagpapabagsak kay Marcos (na dati niyang pinagsilbihan nang tapat) noong 1986. Ngayon, tila dinidipensa niyang muli ang dictatorial legacy ng nasirang Makoy. Pati ang mga Lopez na kalabang karnal ni Makoy noon ay kalaban pa rin ni JPE. Hanggang ngayon.