Panggulat

ISINUSULONG sa Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong patawan ng malaking multa at kanselahin ang lisensiya ng mga driver na mahuhuling lasing o bangag sa ipinagbabawal na gamot. Nais nilang bawasan ang peligro sa daan.

Kasalukuyang inihahanda ng mga ahensiyang kasangkot ang mga panuntunan at reglamento ng naturang batas. Panahon na upang sawatain ang mga pesteng "drunk drivers."

Madaling makilala ang lasing na driver sa daan. Pahapay-hapay ang kanilang sasakyan. Ang ilan naman ay normal kung magmaneho ngunit nagiging marahas kung mahuli.

Hindi umaaming lasing ang nadadakip na "drunk driver." Lagi itong nagpapalusot kahit huli na sa bibig. Baka nga naman hindi mahalata ng pulis ang kanyang mapupulang mata, kabululan at mabuway na tindig. 

Habang pinagtatalunan pa sa Kongreso ang nasabing panukala, mainam kung iiwas tayo sa gegewang-gewang na sasakyan o sa sinumang driver na wala sa katinuan. Kailangang kumilos ang ating mga mambabatas. Dalawang lugar lamang ang maaaring kahinatnan ng abusadong driver o inosenteng pasahero: Hospital o morgue.

Show comments