Ang mga Ilokano ay mahilig kumain ng saluyot. Marami itong taglay na bitamina at mineral. Ang saluyot ay pampalakas at pampabata gaya ng malunggay, sili at mustasa.
Bukod sa pagiging mabisang herbal medicine, ang bawang, petsay, letsugas, kulitis at kamatis ay mabisa ring insect repellant. Nagpapalayas sila ng insekto.
Ang okra ay isa sa mga fiber food na kailangan ng katawan. Gamot ito sa ubo, namamaga at nangangating lalamunan. Isang tasa ng nilagang okra ay may 100 porsiyento ng folic acid na mayaman sa phosporous. Ang katas ng nilagang okra ay pang-alis ng kati likha ng kagat ng lamok at iba pang insekto. Sa Thailand ang okra ay pagkaing pampalakas ng puso at mainam na gamot sa sakit sa tiyan.