Cancer sa vagina

KARANIWAN nang cancer sa suso ang tumatama sa mga kababaihan, subalit maging ang cancer sa vagina ay nagiging mapanganib na rin kung hindi agad made-detect at maaagapan. Mabilis at hindi mapigilan ang pagkalat ng malignant cells sa nasabing maselang bahagi ng babae. Ang mga babaing nasa edad 45 at 65 ang tinatamaan ng cancer sa vagina.

Isang uri ng vaginal cancer, na tinatawag na embryonal rhabdomyosarcoma ang nakaapekto sa mga sanggol at kababaihan sa panahon ng kanilang kabataan o pagdadalaga.

Ang mga sintomas ng vaginal cancer ay kinapapalooban ng pagdurugo ng ari matapos ang pakikipag-sex. Makirot ang pakikipagtalik sa babaing may cancer. Magkakaroon din ng malatubig na discharge sa maselang bahagi. Kapag ang cancer ay nakakalat na sa bladder o sa rectum, makararanas ng makirot na pakiramdam.

Ang pag-opera sa bahaging apektado ang isa sa mga paraan para mapigil ang pagkalat ng cancer. Paraan din ang pagsasailalim sa hysterectomy at ang pag-aalis sa lymph nodes sa pelvis. Ang radiotheraphy ay kinakailangan din. The prognosis varies depending upon the extent of the cancer but symptoms can be relieved.

Ang dahilan ng vaginal cancer ay hindi pa malaman subalit sa mga bata, pinaniniwalaang ang dahilan nito ay ang exposure sa estrogen na nakuha ng ina sa panahon ng kanyang pagdadalantao. Kapag ang pamilya ay may history ng cancer, malaki ang panganib sa mga kababaihan na magkaroon sila ng nabanggit na cancer. Kung made-detect nang maaga ang cancer sa vagina maaari itong maagapan.

Show comments