Ilang opisyal ng PNCC kumita ng P40-M sa mga gasoline station owner?

TOTOO kayang kumita ng limpak-limpak na P40-million ang ilang opisyal ng Philippine National Construction Corp. (PNCC) mula sa mga may-ari ng gasoline station sa expressways?

Ayon sa aking bubuwit, 105 days na lang at Pasko na naman. Happy birthday muna kay Ms. Katrina Silva, Ofelia Jacela, Rica Jacela ng Univet; Ms. Lourdes Hufana, OIC-Director ng NSO Civil Registration Dept. from Raquel Monteza at si Lola Sergia Estrella, ang roommate ni dating DAR Secretary Condring Estrella ng Pangasinan.
* * *
Alam n’yo bang nagdududa ngayon sa bawat isa ang ilang opisyal ng PNCC dahil sa pangongotong sa mga aplikante ng gasoline station sa mga expressway?

Ayon sa aking bubuwit, hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng ilang opisyal sapagkat kung kumilos at magsalita ay wari mo’y hindi sila makabasag ng pinggan.

Katulad na lamang nitong isang opisyal, parating ipinagyayabang sa kanyang mga kausap na sila ay mayaman, hindi na kailangan ang pera at gusto na lamang daw ay tumulong sa bayan.

Luku-luko, ang yabang-yabang ng kupal na ito.

’Yun pala ay siya ang nangunguna sa pangingikil sa mga negosyanteng nais magtayo ng gasoline station sa North at Luzon Expressway.

Kung sino ’yung mga nagmamalinis at gumagamit pa sa pangalan ni Lord ay siya palang pinakamasiba sa pangungurakot.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong pangongotong sa mga negosyanteng nais magtayo ng gasolinahan sa mga expressway ay inimbestigahan na rin noon ng isang opisyal ng PNCC.

Ang malungkot, walang nangyari sa imbestigasyon at ginaya pa nito at nilakihan pa ang kanyang pangongotong. ’Yung dating P3-milyon bawat aplikante ay naging P5-milyon.

At ayon sa aking bubuwit, minadali pa nila ang pag-apruba sa walong application ng mga negosyante.

Kung susumahin, kumita na siya o sila ng P40- milyon?

Ayon sa aking bubuwit, sa kotong na maaaring umabot sa mahigit pa sa P40-milyon, ang mga naghati-hati lang dito ay tatlong opisyal lang.

Kaya ’yung ibang opisyal na nakatunog sa ganitong anomalya ay nag-iingay na ngayon siyempre.

Patay kayong mga kupal kayo!

Ayon sa aking bubuwit, ang ilang opisyal ng PNCC na sangkot sa ganitong anomalya ay kinabibilangan ng isang alias "Palos", isang "Bumbay" at dalawang iba pa.

Kawawa naman itong si TRB Chairman at DPWH Sec. Simeon Datumanong, napapaikutan na naman.

At ano naman kaya ang ginagawa rito ng President at CEO ng PNCC na si Atty. Luis Sison?

Nakatunganga lang kaya?

Show comments