Killing me softly

ITULOY natin ang munting krusada laban sa maruming hangin mula sa mga coal-fired power plants at iba pang pinagmumulan ng maruming usok.

Sa totoo lang, hindi lang doble ang ibinabayad ng mga power consumers kung iisipin ang pinsalang dulot nito sa kalusugan. Unti-unti tayong pinapatay ng carbon at mercury pollutants mula sa mga plantang ito. Kaya nga tinagurian itong "dirty technology".

Ang halaga ng operasyon at maintenance ng mga plantang ito’y napakataas.

The toxic fumes emanating from this jurrasic contraptions impact adversely on human health, vegetation and the environment in general.


Patakaran pa rin ng NAPOCOR ang "energy mix". Bukod sa mga plantang pinaaandar ng bunker fuel, natural gas at geothermal, marami pa ring coal-fired plants in operation.

Totoo marahil na mura ang halaga ng coal. Pero mas importante ang buhay at kalusugan ng tao.

Ayon sa Economist, isang respetadong financial magazine sa London, pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga dahop na bansa ang ganitong uri ng mga planta ng kuryente dahil sa nakalalasong usok ng mga ito.

Maaaring di natin namamalayan pero araw-araw, exposed ang bawat tao sa ganitong uri ng maruming hangin na kontaminado ng sulfur dioxide, total oxidants, nitrogen oxide, lead, carbon monoxide at iba pang elementong nakalalason.

At ayon sa artikulo ng Economist, ang araw-araw na pagkasalang ng mga tao sa ganitong uri ng hangin ay nagpapataas sa tsansa natin na magka-cancer ng 15 porsyento.

Tatlong uri ang pinagmumulan ng pollution: Mobile — o mga sasakyang pinaaandar ng petrolyo; Point source — o mga pabrika kasama na ang mga planta ng elektrisidad; at Area source — mula sa naninigarilyo, basurang sinusunog at alikabok mula sa mga construction sites.

Ngunit ang tinutukoy na pinakagrabeng magparumi ng hangin ay mga coal-fired power plants na hanggang ngayon, sa kabila ng umiiral na Clean Air Act ay nananatili pa rin sa operasyon.

Show comments