Pinanindigan ni GMA ang kanyang sinabi sa kanyang SONA na pag-iibayuhin ng kanyang administrasyon ang drug campaign. Sinabi pa ni GMA na ang pagsugpo ng kriminalidad, kabilang na ang paglalansag ng mga sindikato ng droga ay malaking hakbang para matupad ang pinapangarap na matatag na republika.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, naiulat ang patuloy na aktibidad ng mga illegal drug smuggler sa Quezon. Isa sa malalaking buy-bust operation ay ang pagkakasamsam ng tinatayang two million pesos na halaga ng cocaine at shabu sa Infanta.
Balita rin ang patuloy na operasyon ng mga drug lord sa Lucena City na malayang nakagagalaw sa Cota at Dalahican. Isang impormante ang nagsabi na sa Barangay Bara ay marami ang kumikita sa pagbebenta ng droga lalo na nang magkaroon ng shooting ng isang pelikula. Ayon pa rin sa source, may mga artista na bumili ng shabu sa supplier ng shabu mula sa Lucena.
May ilang buwan na ang nakararaan iniulat ang buy-bust operation sa mga shabu smugglers sa Polilio. Si Panukulan Mayor Ronnie Mitra ay nahulihan ng shabu at nakakulong na.
Ilan sa mga puspusang nagpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na droga ay sina Rep. Rafael Nantes at Rep. Aleta Suarez. Ayon sa dalawang kongresista dapat na lahat ng mga mayor ng mga bayan sa Quezon ay makiisa at makipagtulungan laban sa mga drug syndicate.