Nagmamadali mong kinuha ang uniporme. Inakup! Butas pa ang kilikili! Di bale na," sabi mo. Kinuha ang plantsa at pinadaanan ang damit. Pero teka, hindi naman natutuwid. Pedro, naputulan tayo ng kuryente, sigaw ng ate mo. Natulala ka, pero hindi dapat mawalan ng pag-asa! Ngayon pa? Kayat pikit-mata mong sinuot ang uniporme kahit gusot na gusot.
Mula sa bintana ng inyong bahay, tinanaw mo ang iyong pinag-aaralang unibersidad. Lumunok, huminga nang malalim at mabilis na tumakbo patungo sa school. Pero malas sapagkat natisod ka sa nakausling bakal at nadapa ka sa lubak na may putik? Nagmukha ka tuloy baboy na nalublob sa putikan. Pero hindi ka pa rin sumuko. Wika nga, Kung saan ka nadapa ay doon ka bumangon.
Taas-noong itinapak mo muli ang paa sa lupa. Ilang hakbang na lang at nasa gate ka na. Parang may sumusunod sayo. Dala ng pagtataka, lumingon ka. Ngee! Ang aso ng kapitbahay mo. Takbo Pedro!!!
Pumasok ka sa school gate pero hinabol ka ng guard. Tumawag ito ng kasamahan at tulungan daw siyang ilabas ang taong-grasa. Nagpumiglas ka pero dalawa na sila. Nang makahanap ng pagkakataon, kinuha mo ang identification card mo at ipinakita sa dalawa. Hindi pa rin sila naniwala kaya dinala ka na sa kanilang officer-in-charge.
Mangiyak-ngiyak ka na at nagpaliwanag sa nangyari. Sinabi mong kapag hindi ka nakahabol sa exam ngayon, malamang lagapak ang aabutin.
Dala ng awa, pinakawalan ka. Buti na lang may konting suwerte pa pala.
Magaan na ang loob at puno pa ng kumpiyansa na para bang nakapag-aral ka kagabi, mabilis kang nagtungo sa classroom mo. Nasa pinto ka nang masalubong ang iyong mga kaklase. Nagtatawanan sila Mukhang masaya. Baka pasado sila. Pero sandali lang, tapos na ata ang exam.
Hindi ka nagkamali, tapos na nga. Nakita mong nagimbal ang propesor mo nang makita ka. Nagpaawa ka. Pinalungkot ang mukha. Pero kumita na yan parang sinabi ng propesor mo sabay abot ng classcard mo na may markang 5. Malas talaga!
Ganyan naman talaga ang buhay. May mga pagsubok na dumarating sa isang tao at kung minsan ay nagkakasunud-sunod pa. At kung hindi naman umayon sa inaasahan ang nangyari, isinisisi sa malas.
Ngunit wala namang totoong malas. Kung may pagsubok sa ating buhay, ang kailangan lang natin ay lumaban at muling umasa. Ang pag-asa ang pinakamahalagang sangkap upang naisin ng tao na mabuhay at harapin ang pakikibaka. Tawanan lang ang problema, sapagkat may second chance ka pa.
Patuloy na umasa hanggat nabubuhay