Nais ko pong makapag-avail ng Rent to Own Program ng Pag-IBIG. Sampung taon na po akong nangungupahan. Permanente po ako sa aking pinagtatrabahunan ngunit mababa sa P10,000 ang sinasahod ko buwan-buwan. Pangarap ko rin pong magkaroon ng sarili naming bahay ng aking pamilya.
Paano po ba ako makapag-aapply sa Rent to Own Program? Saan lugar po ba mayroong lupat bahay malapit dito sa Valenzuela City. Kung sakaling makapag-avail po ako, gaano po ba katagal?
Ito na po ang pinakamagandang biyaya na matatanggap ko kung ako po ay inyong matulungan. JUN ng Binondo, Manila
Ang Rent to Own Program ay bukas sa lahat ng ating kababayan, miyembro o hindi miyembro ng Pag-IBIG. Ang hindi po miyembro ay kinakailangang magrehistro muna sa Pag-IBIG sa oras na pipirmahan na ng Contract of Lease. Tuwing Sabado mga alas-otso ng umaga, nagkakaroon ng seminar para sa mga nais mag-avail ng Rent to Own Program sa Atrium Bldg., Makati City. Dito ipinaliliwanag ng Marketing Head ang mga kailangang dokumento, ang mga available na housing units sa ilalim ng programang ito at iba pang mga detalye ukol dito. Kinakailangang sumailalim sa seminar na ito bago makapag-avail ng Rent To Own. Sa ngayon, may mga available na units po tayo sa bandang Bulacan na maaari po ninyong pagpilian.
Sa iba pang katanungan, maaari po kayong tumawag sa opisina ng Rent to Own. Trunk Line 8114401.
Sa mga nagnanais pong sumulat, maaari po ninyong ipadala ang inyong liham sa Office of the Chairman, 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Maraming salamat po.