Ito ang pangunahing dahilan kung bakit siya napiling lider ng baryo sa loob ng ilang dekada. Dahil sa ang kanyang baryo ay nasa paanan ng bundok na mayaman sa mga matitibay at magagandang uri ng puno, ang integridad ng isang lider ay kinakailangan.
Ang kontrol sa pamumutol ng puno ay ipinatutupad ng gobyerno. Ang mga trak na puno ng troso ay kinakailangang dumaan sa baryo. At ang lider ng baryo ang may kontrol sa pagbibigay ng permiso. Mahigpit ang magsasaka. Hindi siya maaaring suhulan ninuman.
Isang araw, isang negosyante ng kahoy ang nakipagkita sa asawa ng magsasaka sa bayan. Binigyan nito ang babae ng isang maliit na regalo. "Hindi mo na kailangang sabihin ito sa iyong asawa," idinagdag pa ng negosyante. "Sabihin mo lamang sa akin ang kanyang paboritong hayop o insekto."
"Ang paborito niya ay gagamba."
Makalipas ang isang linggo, inabot sa asawa ng magsasaka ang isang estatwa ng gagamba na yari sa purong ginto. Gaya ng napagkasunduan, isinikreto niya ang regalo at hindi binanggit sa kanyang asawa.
Nagbago ang gulong ng kapalaran. Nasalanta ang pananim ng magsasaka sa dalawang magkasunod na taon. Nabaon sila sa utang.
Napilitan ang babae na ilabas upang putulan ng piraso ang gintong gagamba. Nagdesisyon siyang bawasan ito ng one-fourth upang ibenta at ipantustos sa kanilang mga pangangailangan. Habang hinihiwa niya ang alahas, lumitaw sa tabi niya ang magsasaka.
"Ano yan at saan mo nakuha yan?" tanong ng kanyang asawa.
Wala nang ibang paraan kundi umamin. "Maraming taon na ang nakalipas, isang negosyante ng kahoy ang nagbigay sa akin nito bilang regalo matapos tanungin kung ano ang paborito mong hayop o insekto. Matapos, gumawa siya ng kawangis nito na ginto." Yumuko na ang babae para tanggapin ang parusa.
Nanatili naman ang katatagan ng magsasaka at sinabi, "Mali ka, ang paborito kong hayop ay kabayo."