Empleyado ng gobyreno na gustong mag-housing loan

Dear Secretary Defensor,

Ako ay masugid na tagasubaybay ng iyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Binabasa ko ito tuwing umaga bago ako pumasok sa trabaho.

Gusto kong mag-housing loan ngunit nagdadalawang isip kung hihiram ba ako sa banko o sa Pag-IBIG.

Empleado ako ng gobyerno at sumasahod ng P18,000. Tumataas din ba ang interes ng housing loan kapag bumababa ang halaga ng piso sa dolyar? Hanggang magkano kaya ang maaari kong mahiram sa Pag-IBIG? Magkano naman kaya ang maaaring buwanang amortisasyon ko?

Maraming salamat at manatili ka sanang nagsisilbi sa ating bansa. – MARIAN, Novaliches, Quezon City


Salamat sa patuloy mong pagsubaybay sa aking kolum.

Sinumang kuwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG ay maaaring makahiram ng mahigit P500,000 hanggang dalawang milyong piso. Ang batayan ng loanable amount ay ang buwanang sahod, gastusin, appraised value ng lupa o lupa’t bahay at iba pang konsiderasyon. Kung higit sa P500,000 ang iyong hihiramin 70 percent lamang ng appraised value ng collateral ang maaaring mapahiram ng Pag-IBIG. Ang interes ay hindi magbabago hanggang katapusan ng inyong loan.

Ang buwanang amortisasyon ay hindi hihigit ng 30 percent ng kabuuang sahod ng isang buwan ng miyembro at hindi hihigit ng 70 percent ng net disposable income ng isang miyembro.

Show comments