Siguro dapat nang umpisahang tiktikan ng ISAFP ang operasyon ng lahat ng duty-free shop sa bansa at maging ang warehousing division sa Bureau of Customs porke may matinding balak ang mga economic saboteurs, Finance Secretary Lito Camacho, Your Honor.
May nakuhang "information" ang mga kuwago ng ORA MISMO na may isang matabang baboy sa Malacañang ang nagbigay ng basbas sa grupo ni Sonny Li Bog na umpisahan ang operation "puslit shipments" para raw makalikom ng pondo sa 2004? Prez GMA, Your Excellency, tiyak naming hindi mo alam ito.
Ang operasyon ng grupo ni Sonny Li Bog ay magpaparating ng hindi birong bilang ng ibat ibang uri ng kargamento. Ikakalat sa ibat ibang kasangga niyang brokers ang mga entry para hindi mahalatang iisa lamang tao ang nagmamaniobra sa puslitan blues operation for 2004?
Ngumangawa sina William Oy-oy, inaanak sa Elap; Joseph Chinga, ng White Plains, QC; Franching Kampuwet, bata ni puregold; Stephen Changgie, Jeffrey Kingkong, Paul Soncha, Totsie Arellano, Baby Thai, kumare sa Ghia; Danny Sultebes, tamo nasilat ka ni Gudo bayad ka kasi ng totoo; Edwin San Tuzka, Manny Santos, bugaw ng chiching kay Elap; Richard Nganga ng Marikina City at Roel Titino, ang hari ng misdeclaration sa MICP.
Ang grupong ito ang buwisit sa ekonomiya ng bansa porke sila ang mga buwitre o mga tinaguriang "economic saboteurs" sa Maynila.
Hindi kasi nila matanggap na magbayad sila ng P180,000 per 40 footer van bilang buwis sa gobyerno. Lalot may kumalat na tsismis sa mga ito ang operasyon ni Sonny Li Bog.
Sa Maynila pinagbabayad sila ng P180,000 samantala ang operasyon ni Sonny Li Bog ay free of charge kasi "swing"? Ganito ang inggitan sa bureau.
"May tip na ang ISAFP sa mga kuwago ng ORA MISMO ang kailangan ay laparan nila ang tenga nila para matiktikan ang grupo ng mga hunghang," anang kuwagong Kotong Cop.
Namonitor na ba ni Commissioner Bernardo ang bata niyang matakaw sa pitsa?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sino iyon?"
"Si Dennis Van Tiga ang bagman ni koleksyon Maglipol?"
"Tiyak pasok sa dossier ang mga kamoteng ito."
"Sobrang yaman ng mga ito sa ka-kikikil sa mga brokers. Iyan, may balitang welga sa Customs sana makasama ang mga pangalan nila sa irereklamo."
"Abangan natin."