Matindi ang sindikato sa paligid ni Bernardo. Gusto siyang sagpangin para bawiin niya ang kanyang utos na mag-resibo ng P180,000 sa bawat lata (40 footer van) para kumita ang gobyerno. Namihasa kasi ang mga kamote na P30,000 hanggang P50,000 per container ang kanilang ibinabayad bilang buwis. DOF Secretary Lito Camacho, Your Honor!
Masyadong nai-spoiled ang sindikato sa bureau. Kayang-kaya nilang tapalan ng pitsa ang mga mukha ng mga ganid na Customs dito para madiktahan nila kung anong presyo ang gusto nilang palabasing yadba.
Malalim at tahimik ang operasyon sa Customs kaya tulad ni Bernardo na bagito dito tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na mangangapa siya sa alapaap na nangyayari sa ngayon?
Dapat tiktikan ng mga ahente ni Col. Victor Corpus, ng ISAFP, Malacañang at maging si Bernardo ang shipments nina William Oy-oy, inaanak sa Elap; Joseph Chinga, ng White Plains, QC; Franching Kampuwet, bata ni puregold; Stephen Changgie, Jeffrey Kingkong, Paul Soncha, Totsie Arellano, Baby Thai, kumare sa Ghia; Jun Matimtiman, shabu king; Danny Sultebes, tamo nasilat ka ni Gudo bayad ka kasi ng totoo; Edwin San Tuzka, Manny Santos, bugaw ng chiching kay Elap; Richard Nganga ng Marikina City at Roel Titino, ang hari ng misdeclaration sa MICP.
Ang grupong ito ang buwisit sa ekonomiya ng bansa porke sila ang mga buwitre o mga tinaguriang economic sabotuers.
Pero banas din sila sa mga ganid na taga-Customs porke nagbibigay na sila ng tara hinihiritan pa sila ng additional. Ika nga walang katapusang pangbabakal.
Ayon sa grupo, mahigit sa 25 kamoteng opisyal sa Customs ang tinatapalan nila ng salapi kada may kargamento silang ilalabas sa pier para hindi naman sila sagarin sa pagbabayad ng buwis. Siyempre negosyo, alangang magpalugi. Di ba Dennis Van Tiga!
Halos gumagastos sila ng P70,000 panglagay sa mga kamoteng opisyal per container.
Ilalabas ng mga kuwago ng ORA MISMO sa susunod na isyu ang mga opisina ng "bantay-tara sa Aduana.
Kaya pala lagapak ang koleksiyon sa bureau sa bulsa ng bantay-tara napupunta ang pitsa imbes na sa gobyerno. anang kuwagong Kotong Cop.
Ah ganoon! Kaya dapat silang ilutang, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan ang abangan natin.
Be sure, kamote!