Masaya kami nina Itay at Inay. Palaging may pasalubong si Itay tuwing umuuwi mula sa trabaho. Madalas din kaming mamasyal at kumain sa labas.
Pero matagal na yon
Maliit pa ako non
Minsan nagpaalam si Itay. Pupunta siya sa Saudi para mas maganda raw ang kinabukasan ko. Hindi ko pa alam kung saan ang Saudi. Malayo siguro dahil umiyak si Inay. Napaiyak na rin ako.
Inihatid namin si Itay sa airport. Bago tumalikod si Itay ay hinalikan nya kami. Iyak nang iyak si Inay. Nang makaalis na si Itay ay tumalikod na rin kami. Pero bakit nakangiti na si Inay? Hindi ko maintindihan.
Kinagabihan ay pumunta si Ninong sa bahay. Kasabay namin siyang naghapunan. Pagkatapos ay pinapasok siya ni Inay sa silid. Huwag daw muna akong pumasok doon sabi ni Inay. Hindi naman nya sinabi kung bakit.
Pero ang tagal nilang lumabas. Inaantok na ako. Pumasok na lang ako sa kuwarto. Tulog na pala sila.
Bakit nakayakap si Inay kay Ninong? Sya ba ang papalit kay Itay?
Hindi yata puwede yon. Tatay siya ng kalaro kong si Neneng. Baka magalit si Itay.
Simula noon ay naging madalas na ang pagpunta ni Ninong sa amin. Palagi rin siyang may pasalubong kaya masaya pa rin ako kahit wala si Itay.
Pero paano si Neneng? Baka siya naman ang malulungkot? Kawawa naman siya.
Dalawang taon ang lumipas. Isang gabi ay may kumatok sa pinto. Ang sabi ni Inay ay huwag daw akong basta magbubukas ng pinto. Ipaalam ko raw muna sa kanya. Kaya lang, baka natutulog na sila ni Ninong. Bahala na.
Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako. Si Itay! Dumating na ang itay ko!
Hinanap niya si Inay. Sinabi kong tulog na sila ni Ninong.
Lumarawan sa mukha ni Itay ang galit. Mabilis na tinungo ang silid. Sumigaw si Itay. Mga hayop! Sinipa niya sina Ninong at Inay. Lumabas si Ninong ng bahay na walang damit. Pagkatapos, kinaladkad nya si Inay na hubot hubad din.
Takot na takot ako. Sabi ko na nga ba, magagalit si Itay.
Makali-pas ang labinlimang taon ay malaki na ang ipinagbago ko. Naiintindihan ko na ang lahat sa gulang kong 20.
Hindi ko na nakita si Inay. Ako ang pumuno sa lahat ng mga pagkukulang niya kay Itay.
Hinding-hindi ko sya tutularan dahil ayaw ko nang masaktan si Itay. Sya na lang ang natitira sa akin.
Mahal na mahal ko si Itay
Mahal na mahal ko ang asawa ko