Problema sa lupang tinitirhan

MAHIGIT sampung taon na po kaming naninirahan sa isang pribadong lupa. Nagkaroon po kami ng pag-uusap ng may-ari upang ipahayag ang aming naisin na bilhin ang kanilang lupa sa murang halaga na babayaran namin buwan-buwan. Kung hindi raw po kami sumasang-ayon sa kanyang naisin, paaalisin daw po kami.

Nagbuo kami ng asosasyon upang mas madaling matugunan ang aming problema sa lupa. Naghalal po kami ng mga opisyales ng asosasyon. Pinarehistro namin ito sa Securities and Exchange Commission (SEC), ngunit makaraan ang ilang buwan, nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng asosasyon at nagkaroon ng bagong mga opisyales. Bilang opisyales ng unang halalan, hindi po namin matanggap ito. Ano po ang kailangan naming gawin? Dagdag po rito, paano po kami makaka-avail ng sinasabi po ninyong Community Mortgage Program? Qualified po ba ang aming asosasyon?


Ang Housing and Land Use Regulatory Board ang dumidinig sa anumang internal dispute sa asosasyon. Kailangan lamang ninyong mag-file ng formal complaint sa nasabing ahensiya upang magkaroon ng hurisdiksiyon ang inyong kaso. Magkakaroon po sila ng resolution na magbibigay linaw kung sino nga po ba ang tunay na opisyales ng inyong asosasyon.

Tungkol naman sa katanungan ninyo sa Community Mortgage Program maaari kayong mag-avail nito dahil kayo ay nabigyan na ng pagkilala sa ilalim ng ating batas. Magsadya kayo sa CMP secretariat ng NHMFC, Filomena Bldg., Makati Avenue, Makati City. Dalhin ang inyong certification at iba pang dokumento.


Kung nais ninyong sumulat, ipadala ito sa Office of the Chairman, HUDCC, 6th Flr., Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.

Show comments