Ang upo.
Ibig ninyong sabihin ay nagagamit ang bunga, dahon, tangkay, bulaklak at ugat ng upo?
Napatawa si Tata Poloniong. Maraming gamit sa buhay natin ang upo.
At binanggit nito ang mga gamit: Ang pabilog na bunga ng upo pagtuyo na ay ginagawang sombrero. Pinuputol ang bunga pero ang tangkay na patulis ay hindi dahil maganda ang anyo.
Maaari ring gawing lampara ang upo. Lalagyan lang ng dibuho.
Karaniwan ang tuyong bunga ng upo ay ginagawang alkansiya. Hindi sinasayang ang buto ng upo. Sinusungkit ito para maitanim.
Malimit ding gawing lalagyan ng tubig. Marami ang naniniwala na nananatiling malamig ang tubig sa bunga ng upo.
Huwag na nating kanin ang upo, sabi ko.
Bakit naman, Doktor?
Kasi napakaraming gamit pala ang gulay nito.
Humagalpak ng tawa si Tata Poloniong.