Dalawang badap na pari, muntik nang magsapakan sa palasyo ni Cardinal Sin

ALAM n’yo bang muntik nang magsapakan ang dalawang paring Katoliko sa Villa San Miguel, Mandaluyong City?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Juan Elizalde ng MBC; Kristine Dy ng Isabela; Malou Compra, Rep. Ma. Elena Palma-Gil ng Davao Oriental at Rep. Tony Dequina ng North Cotabato.
* * *
Alam n’yo bang muntik na palang magsabunutan este magsapakan ang dalawang paring Katoliko sa palasyo ni Jaime Cardinal Sin?

Ayon sa aking bubuwit, ang engkuwentro ng dalawang pari ay nangyari sa Villa San Miguel noong nakaraang linggo.

Dahil masyado nang kritikal ang isa sa dalawang paring ito sa pamunuan ng Catholic church, siya ay ipinatawag ni Cardinal. Kaya lang, matapos ang kanilang pag-uusap ay sumama ang loob ng nasabing pari.

Sinermunan kasi siya ni Cardinal.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, matapos ang sermunan blues ay talagang sumama ang loob ng pari. Nadagdagan pa ito nang paringgan siya ng kapwa pari dahil hindi pala ito humalik sa singsing ni Cardinal.

Nang paalis na ang "rebeldeng" pari sa Villa San Miguel, sambakol ang kanyang mukha dahil sa sama ng loob. Ang parinig niya sa isang pari roon at ilang miyembro ng Opus Dei ay, "Makaalis na nga. Pinapunta lang pala ako rito para sermunan."

Sinagot naman siya nu’ng isang pari na malapit kay Cardinal, "Siguro ngayon lang ako makakasapak ng tao."

Biglang nagalit ang rebeldeng pari at hinarap ang kapwa pari.

Ang sabi ay... "Sige, sige subukan mo. Bakla ka naman eh. Kung gusto mo’y ibulgar ko pa ang mga seminaristang tsinu___ mo."

Na-shock ang mga staff ng Villa San Miguel at ilang Opus Dei sa kanilang narinig.

Grabe palang mag-away ang mga pari ano? Lalo na kapag ang mga ito ay miyembro ng federacion.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang paring nag-away sa Villa San Miguel na kamuntik nang mauwi sa sapakan ay walang iba kundi sina...

Yung ipinatawag na pari ni Cardinal ay nakadestino sa isang simbahan sa Quezon City. Very vocal siya. Malaki ang kanyang katawan. Siya ay malapit kay dating President Erap Estrada. Siya ay walang iba kundi si...

Kilala n’yo na eh.

Ito ay si Fr. R. as in Romera.

At ang nakabangga niyang kapwa pari ay walang iba kundi si... Maamo ang kanyang mukha na parang hindi makabasag ng pinggan. Medyo mataas ang katungkulan sa Catholic church at mas mataas ang posisyon kaysa kay Fr. R. Siya ay walang iba kundi si Bishop S. as in Santita.

Show comments