Ang kawalan ng sapat na tulog ay hindi kasing lubha kumpara sa iba pang panganib na hinaharap ng reporter tulad ng pagpatay, kidnapping, libelo at mababang pasahod. Ngunit itoy maaaring makamatay. Maaari silang makaidlip habang nagmamaneho. Marahil din managinip sa harap ng computer habang sumusulat ng isang nakayayamot na istorya at tuluyang malimutan ang deadline. O di kayay makatulog sa gitna ng isang nakababagot na press conference at hindi na maisulat ang istorya.
Alam nating ang pagtulog at ang pagmamaneho ay hindi pinagsasabay. Ang hindi pagtupad sa itinakdang deadline o hindi makagawa ng istorya ay isang tunay na panganib sapagkat maaaring mawalan ng trabaho ang reporter.
Sabi ni Gappi, ang papalya-palyang oras sa trabaho ay nagkakait sa mga mamamahayag ng sapat na pahinga. "Minsan kailangan mong gumising ng maaga upang gumawa ng istorya," magtrabaho maghapon habang pasimpleng umiidlip upang matupad lamang ang deadline. May mga pagkakataon din na silay nagpupuyat dahil may hinahabol na istorya," pahayag ni Gappi sa isang pagtitipon tungkol sa paksa. Sabi pa ng mga doktor, hindi husto ang pahingang dulot ng pag-idlip. Sinisira nito ang ritmo ng katawan.
Likas na maidlipin ang ibang mga reporter. Sa tuwing nanonood sila ng TV, nagsusuot sila ng salaming may kulay upang walang makapansin na silay umiidlip. Kapag silay tumatango, hindi nangangahulugang sila ay umaayon sa inihahayag ng TV. Sila ay nananaginip na.
Kapag nasa kalaliman ng pag-iisip, pumipikit ang reporter upang lubos pang ipokus ang ideyang nasa isip. Tulad ng isang mang-aawit na nakapinid ang mga mata habang nadadala ang kanyang damdamin sa ganda ng kanyang kinakanta.
Ngunit tumatagal lamang ng ilang minuto ang isang awitin at muling ibubukas ng singer ang kanyang mga mata sa gitna ng masigabong palakpakan. Di tulad ng singer, ang isang mamamahayag ay hindi obligadong ibukas ang kanyang mga mata kahit na maantala ang istorya. May ilang reporter na mas mabilis magtrabaho ilang sandali bago ang deadline.
May ilang pagkukulang ang mga mamamahayag. Hindi kasama rito ang kakulangan sa tulog.