Tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, Mga kababayan at mga naninirahan sa Jerusalem: Pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasya at pagkaalam ng Diyos sa mulat mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan. Subalit siyay muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya, gaya ng sinabi ni David: Nakita ko na laging nasa tabi ko ang Panginoon, siyay kasama ko kayat hindi ako matitigatig. Dahil dito, nagalak ang puso ko at umawit sa tuwa ang aking dila, at ang katawan koy nahihimlay na may pag-asa. Sapagkat ang kaluluwa koy di-mo pababayaan sa daigdig ng mga patay, at hindi mo itutulot na mabulok ang iyong Banal. Itinuro mo sa akin ang mga landasing patungo sa buhay, dahil sa ikaw ang kasama ko, akoy mapupuspos ng kagalakan.
Si Jesus na taga-Nazaret ay nagmula sa Diyos. Upang patunayan kung sino siya, nagpagaling siya ng mga maysakit, ipinahayag niya ang paghahari ng Diyos. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos siya ay nagsagawa ng mga himala at mga kababalaghan. Subalit ang reaksiyon ng mga pinunong Judio ay pagkasuklam. Ibinigay nila si Jesus kay Pilato upang masentensiyahang mamatay. At siya ngay namatay sa krus. Subalit ang Diyos ang Ama ay matapat kay Jesus na kanyang Anak. Binuhay niya muli ito sa isang panibagong buhay.
Ang mahalagang aral para sa atin na dapat nating tandaan ay: Bilang mga mananampalataya at tagasunod ni Jesus, dapat tayong maging handa na harapin ang ating sariling mga krus. Matiyaga at makabuluhang pasanin ang mga ito. At mapuspos ng pag-asa na tayo rin, isang araw, ay tiyakang makikibahagi sa kanyang pagkabuhay na mag-uli. Magkakaroon tayo ng buhay na punung-puno ng pagmamahal. At ang buhay na yaon ay ganap na bago at di na maglalaho, ni mabubulok. Di na tayo kailanman mamamatay. Tayoy magiging ganap na mapayapa at maligaya.