Hustisya sa mag-amang Alejo (Part I)

MULA pa noong Oktubre 7, 2001, hinahanap ng pamilya ni Nida Alejo ang asawa’t anak nitong sina Julio at Julius na pinatay at sinasabing ibinaon sa lupa ng mga hired killer sa hindi malamang lugar sa Nueva Ecija. Hindi pa nakikita ang bangkay ng mag-amang Alejo kaya humihingi ng hustisya ang pamilya ni Nida sa mga kinauukulan. Nililihis umano sila ng mga ‘‘super bagal cops’’ partikular ang Nueva Ecija Police Force? DOJ Secretary Hernando Perez, Your Honor!

Hinarang ng 15 armadong kalalakihan sa Bgy. Kalaanan, Nueva Ecija ang Toyota Hi-Lux pick-up na may plakang UVG-463 na sinasakyan nina Julio at Julius kasama si Francisca Alejo, 80, at Rose Alcantara, 55. Hindi isinama ang dalawang babae nang dalhin ng mga kamote ang mga biktima sa hindi malamang lugar.

Si Julio 47, ay isang DENR forester sa Aurora samantalang si Julius, 22, ay newly graduate student.

Iniligaw noong una si Nida ng ilang ‘‘kamoteng pulis patola’’ porke pagnanakaw lamang daw ang dahilan kung bakit pinatay ang asawa‘t anak nito. May nawawalang P100,000 halaga ng construction materials, P350,000 cash money, P200,000 halagang perang pina-withdraw sa banko ng mga salarin sa pamamagitan ng ATM at isang kalibre .45 pistola.

May mga suspect nang nakakulong.

Halos mawala sa sarili si Nida kapag naiisip niya ang sinapit ng kanyang asawa’t anak. PNP bossing Leandro Mendoza, Sir!

Tatlong beses ng hinukay ng mga pulis ang itinuturong lugar ng mga suspect pero negatibo ang resulta.

"Matindi ang kasong ito wala lang espasyo ang chief kuwago para talakayin ng husto ang nasabing kaso’’ anang kuwagong mangangarit.

"Gustong patayin ang isyu para makalaya ang ilang suspect,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Pero tiyak kong hindi ito tatantanan ng mga kuwago ng ORA MISMO hanggang hindi nakukuha ang bangkay ng mag-amang Alejo at ang mga nagsabwatan para patayin ang mga ito.’’

‘‘Malalim ang operasyon kaya ilalahad ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga pangyayari hinggil sa pinatutulog na kaso?’’

‘‘Ano ang ginagawa ni Region 3 General Rey Berroya tungkol dito?’’ tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

‘‘Siya lang ang alam na-ming tumutulong sa kaso.’’

‘‘Bubuhayin ng mga kuwago ng ORA MISMO ang usaping ito!’’

‘‘Abangan!’’

Show comments