Dobleng power rate hike

Verum Est? May plano ang MERALCO na itaas nang higit sa isandaang porsyento ang singil sa kuryente at ang dahilan umano ay nalulugi ang kompanya.

Pero ayon sa aking reliable texter, hindi pagkalugi ang dahilan ng impending power rate hike kundi ang $20 bilyong pagkakautang ng Lopez group. (By the way, ang aking informant ay hindi lang basta texter kundi isa kong kaibigan who is in the know).

Sabi ko sa aking impormante, bigyan pa ako ng mga dagdag na impormasyon tungkol dito. Sabi niya he will do so. Pero how ever sketchy the info is, minarapat ko na ring talakayin sa kolum ko ngayon. Saka ko na lang isusunod ang ano mang dagdag impormasyong ipadadala sa akin ng aking kaibigan.

Tutal, hindi pa naman tayo nag-aakusa kundi nagtatanong pa lang. Hihiramin ko sandali (hope my friend Tony Velasquez won’t mind) ang laging tanong ng isang bantog na program ng ABS-CBN: "Verum Est?" Ito ba’y totoo?

Wala akong tutol sa price increase ng mga kalakal at basic services kung talagang kinakailangan at may justifiable reason.

Pero kung doble ang itataas sa halaga ng kuryente, pananakal na ito hindi lamang sa mahihirap kundi maging sa mga nasa middle class. At lalong nakaririmarim isipin na ang dahilan ng pagtataas ng singil ay para may ipantapal sa dambuhalang pagkakautang ng isang kompanya.

If you come to think of it, highway robbery
na iyan!

Kung tutuusin, sobrang kalayaan na ang ipinagkaloob ng ating gobyerno sa mga negosyante.

Pati ang kapangyarihan ng pamahalaan na i-regulate ang halaga ng basic services and products ay wala na.

Okay lang iyan. Diwa iyan ng ating tinatamasang demokrasya. The martial law regime has been dead for over a decade and as such, dapat nating madama ang ganap na atmospera ng kalayaan.

Pero sana’y gampanan ng mga kompanya na tulad ng MERALCO ang responsibilidad nito sa bayan lalo pa sa gitna ng kahirapang pang-ekonomiya na ang higit na nagdurusa ay ang mahihirap at ang mga kababayan nating nasa middle class.

Ang pinaka-minahan ng mga industriyalista ay ang mga karaniwang taong tumatangkilik sa kanilang kalakal. Kahit pa mahirap ang mga ito, sila ang nagbibigay buhay sa negosyo ng mga mayayaman.

Huwag naman sanang patayin ang gansang nangingitlong ng ginto.

Show comments