Pero seryoso pala ang senadora. Kapipirma lang niya ng resolution, kasama ng 14 pang senador na karamihay kapartido ni Erap, na alisin na ang death penalty. At least buhay sila, ani Ejercito tungkol sa pagpugot sa rape convicts. Hindi sila ili-lethal injection na tinututulan niya.
Kaya tuloy naghihinala ang madla na inaalis ng mga senador ang death sentence para iligtas lang si Erap sakaling ma-convict sa plunder. Kasi, tinuturing nilang cruel and unusual punishment ang kamatayan. Pero ang gusto ni Ejercito na ipalit, cruel and unusual punishment din na labag sa Constitution at sa International Declaration on Human Rights.
Yan ang hirap sa ilan nating mambabatas. Palagay nila, isinilang ang sibilisasyon simula lang nang mapuwesto sila. Akala nila, bago ang mga ideya nila, ganoong noon pa yon pinag-aralan at ibinasura.
Sang-ayon akong alisin ang death penalty. Pero hindi para iligtas si Erap, kundi dahil sa scientific findings at religious beliefs.
Ayon sa pagsasaliksik, hindi nababawasan ng death penalty ang krimen. Kung may epekto man ito, sa tuwa lang ng crime victims. Hindi yon hustisya. Circus yon na maaring ikawala ng respeto sa buhay at magbunsod ng iba pang krimen. Kaya inalis na ang death penalty sa maraming bansa sa Europe.
Ayon naman sa doktrina Kristiyano, lahat ng taoy kayang magsisi at ituwid ang ginawang mali. Si Dimas na magnanakaw, pinatawad ni Hesus dahil nagnais na makarating sa langit.
Di mabisa ang death penalty. Pinaka-matingkad na ehemplo: Sina Osama bin Laden at mga suicide terrorist niya. Handa silang pumatay sa ngalan ng terorismo. At ikasisiya pa nilang mapatay sa ngalan din ng terorismo. Kaya, para ke pa sila ibibitay sakaling mahuli?