Chelation therapy para sa baradong ugat

MARAMI ang sumulat at nagtatanong sa akin tungkol sa chelation therapy na tinalakay ko na rito sa BANTAY KAPWA. Ang chelation therapy ay isang proseso ng paglilinis at pagtanggal ng bara sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo para maiwasan ang sakit sa puso at iba pang karamdaman. Ang chelation therapy ay pinalaganap ng internist-cardiologist-preventivist na si Dr. Arturo V. Estuita.

Sinabi ni Dr. Estuita na kailangan ng katawan ang wastong nutrisyon, regular na pag-eehersisyo, huwag maninigarilyo at iinom ng sobrang alak.

Marami na ang nagpapatotoo sa bisa ng chelation therapy sa katawan. Kabilang na ako sapagkat sumailalim na rin ako sa chelation therapy.

Isang babaing nakatabi ko habang may session sa chelation therapy sa klinika ni Dr. Estuita ang nagsabi na parang himala ang nangyari sa kanya. Bumuti ang kanyang katawan at nawala ang sakit. Isang lalaking diabetic din ang nagpatunay na malaki ang ginhawang naramdaman niya nang sumailalim siya sa chelation therapy.

Dalawa hanggang apat na oras ang tinatagal ng isang session ng chelation therapy.

Bukod sa klinika ni Dr. Estuita sa Taft Office Center sa 1986 Taft Ave., Pasay City, matatagpuan ang tatlo pa niyang klinika sa Quad Star Bldg., No. 80 Greenhills, San Juan; Ground floor Prince Arcade, Ortigas Ave., Pasig City at sa Block 4, Lot 28, Aguinaldo St., Malacañang Village, Parañaque City.

Show comments