Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Del Abaya ng Cavite; Rep. Raul del Mar ng Cebu City; Rep. George Hofer ng Zamboanga del Sur at Maribeth Maximo ng Digitel.
Ayon sa aking bubuwit, wala naman sanang problema kung may love affair itong dalawang kongresista, kaya lang ay meron na silang asawa.
Naku, mag-ingat nga kayong dalawa at meron pa namang kaakibat na Honorable sa inyong mga pangalan.
At lalo ka na Mr. Congressman, mag-ingat ka at baka madale ka ng mga tauhan ng Alex Boncayao Brigade.
Si Mr. congressman ay isang abogado mula sa Mindanao. Sixty-six years old na siya pero matulis pa rin.
Kaibigan siya ni dating Rep. Romeo Jalosjos. Siya ay Congressman B. as in Barakong B-Meg.
At ang congresswoman na ka-on diumano ni Congressman Barako ay walang iba kundi si
Siya ay medyo bata pa. Mga trentay kuwatro anyos siguro.
Congresswoman, careful-careful baka magulpi ka ni mister.
Siya ay kongresista mula sa Luzon. Siya ay walang iba kundi si Congresswoman K as in Kasta.