Ang cancer sa buto ay kadalasang nagmumula sa trauma gaya ng pagkabugbog, pagkabangga o pagkaipit ng anumang bahagi ng katawan. Sanhi rin ng cancer sa buto ang exposure sa mga tinatawag na cancerous agents gaya ng radiation, pollution, toxic waste at lead poisoning. Ayon kay Dr. Rene Santos isang Orthopedic surgeon, ang mga bata ay madaling kapitan ng sakit na ito na tinaguriang osteoteanic sarcoma. Ito ay napakasakit kaya ang batang may sakit nito ay hindi maawat sa pag-iyak, hindi makatulog at hindi makakain. Sinabi niya na kadalasang pagpapahilot ay nagreresulta sa namamagang buto at dito magsisimula ang problema. May mga napinsalang buto. Mararamdaman ang patuloy na paglaki ng paa na waring namamaga hanggang sa tuhod kaya pinuputol ang buto hanggang sa singit. Sa operasyong ito ay maaalis ang bigat, maiibsan ang pananakit hanggang sa makadama ng katiwasayan ang pasyente.
Ipinapayo ni Dr. Santos ang mga sumusunod para makaiwas sa bone cancer: mag-ingat maaksidente, huwag magpapahilot, umiwas sa mga cancer-producing elements, huwag maninigarilyo, huwag uminom ng sobrang alak at iwasan ang mabisyong pamumuhay.
Dahilan din ang iritasyon sa kuwelyo ng puno ng matris na pinagmumulan ng chronic cervicitis. Sa pakikipagpanayam ko sa gyconologist na si Dr. Concordia Martin-Pascual, sinabi nito na isang proseso kung saan ay kumukuha ng kapirasong laman sa kuwelyo ng matris at susuriin ng isang pathologist at malalaman kung anong stage ang cancer.
Ang sintomas ng cancer sa matris ay ang pananakit ng puson, pagdurugo na galing sa puwerta, kulane o lymph nodes sa singit. Ipinapayo niya ang vaginal douse na nililinis ang matris bawat tatlo hanggang anim na buwan. Para maiwasan ang impeksiyon ay dapat na mag-pap-smear every six months. Ang pap-smear ay ang proseso na kung saan ay kumukuha ng katas sa loob ng matris para maeksamen at dito malalaman kung may kanser o wala. There is no prevention, ayon kay Dr. Pascual kaya ipinapayo na laging magpa-check-up sa gynecologist lalo na ang mga babaing may multiple sex partners gaya ng mga prostitutes.