Hindi biro ang acomplishment ng Makati City police sa pamumuno ni Chief Insp. Moises Gatbonton Jr., ng Station 1 dahil ito palang nakumpiskang gamit ng eroplano ay maaari ring gamitin ng Tomahawk o Cruise missiles para tamaan ng bulls-eye ang mga target nito. Maging si Presidente Arroyo ay humanga sa accomplishment na ito ng mga tauhan ni Gatbonton at sa tingin ko hindi siya pahuhuli para patawan sila ng tamang pabuya sa hinaharap. Dapat lang para lalo silang sipagin sa kanilang trabaho, di ba mga suki?
Nakumpiska ang 18 boxes ng airplane equipment sa kanto ng Binakod at Novaliches sa Makati City noong nakaraang buwan. Tinatawag ang mga gamit na Auto-pilot Actuator Assembly (AAA). May importanteng gamit pala ang AAA dahil kung i-install ito sa eroplano ay nakalalanding ito kahit masama ang panahon at may zero visibility. Kahit konting training pa lang ng piloto, maaari niyang i-landing sa isang pre-designated spot ang eroplano sa tulong ng AAA na ginigiyahan naman ng Global Positioning System (GPS).
Inamin ng mga tauhan ng gobyerno na hindi madaling ibenta ang naturang mga kagamitan ng eroplano dahil sa September 11 bombing ng World Trade Center sa New York, USA. Kung sino man ang nasa likod ng pag-imbak ng mga gamit ay maaaring may maitim na balak sa gobyerno, ayon sa report ng pulisya.
Matatandaan na si President Arroyo ay isa sa mga World leaders na nagpakita ng suporta sa kampanya ni US President George W. Bush laban sa terorismo matapos ang September 11 bombing at maaaring ang pagka-rekober ng kagamitan ng eroplano ay nakapigil sa plano na pagpadala ng mga ito sa ibang bansa kung saan namumugad ang mga terorista, anang report ni Gatbonton.
Ang 18 boxes ay na-turn-over na kay Renato Diaz, ang presidential adviser for regional development system ng North Luzon. Hindi pa matiyak kung kelan ipatawag ni GMA itong mga pulis para parangalan ni Mendoza sa mga masisipag na pulis natin keysa kay GMA, di ba mga suki?
Maliban kay Gatbonton ang mga kasali sa operasyon ay sina Insp. Nathaniel Lim, Insp. Pedro Guevara, SPO3 Gudulo Telan, SPO1 Samson Avila, SPO1 Delfin Monteloyola, PO2 Edwin Buenaventura, PO2 Nimrod Balgemino, PO2 Jemeie Acosta, PO2 Exequiel Esteban DL Caluya, PO2 Renato de Guzman, PO2 Gonzalo Acnam, PO1 Ronaldo Cuacoyes, PO1 Angelo Mendoza, civilian employee Joemar Murao at Napoleon Evangelista at Supt. Jose Victor Juanillo ng PASCOM.
Pag nagkataon magiging maganda ang pasok ng Bagong Taon sa mga pulis natin kapag dininig ni Mendoza ang panalangin nila. At sigurado akong lalo silang sisipagin sa Year 2002.