Pagod na pagod ako nang dumating kina Iking. Umupo ako sa karitong nasa harap ng bakuran nina Iking habang pinapaypayan ang aking sarili ng sombrero. Iginala ko ang tingin sa kapaligiran. Nakita ko ang mga bagong aning mga mais sa silong ng bahay. Sa di-kalayuan sa silong ay may baldeng nakasalang sa apoy na umuusok. Pakiwari ko naglalaga ng mais at kumukulo na.
Bumaba si Iking mula sa bahay nang makita ako. Nakangiti sa akin. Nagutom ako dahil sa paglalakad Iking, bati ko sa kanya.
Mabuti Doktor para ganahan kayong kumain ng mais.
Ang asawa ni Iking ay nakangiti rin sa akin. Kasunod ito ni Iking na bumaba sa bahay.
Kinuha ni Iking ang sipit na kawayan at kumuha ng bagong lutong mais. Inilagay iyon sa pinggan at tinalupan. Tamang-tama po ito Doktor. Sige kumain na kayo.
Dumampot ako ng isang isang mais. Halos mapaso ako sa init. Kumagat ako sa mais at sumigaw ng "Ang sarap!
Lahat ay nakatingin sa akin dahil sa aking pagsigaw.
Ang anak na babae ni Iking na sa tantiya koy anim na taong gulang ay nagtanong sa akin. "Ngayon lang ba kayo nakatikim ng mais?"
Agad naman itong sinaway ng asawa ni Iking Oy, walang modo. Gumalang ka sa matanda."
Sinagot ko ang bata sa tanong nito. "Oo, iha, ngayon ko lang natikman ang masarap na mais ng tatay mo."
Anim na mais ang nakain ko dahil sa gutom. Nahiga ako sa kariton at ipinikit ang aking mga mata. Ito ang buhay!
Bigla akong dumighay nang napakalakas. Nagtawanan ang buong mag-anak. Hindi ko malilimutan ang manamis-namis na lasa ng mais sa nayon.