Mino-monitor lamang ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nasabing operasyon at sa susunod na mga araw, ilalabas ko ang mga pangalan ng mga hunghang na ganid sa atik. Tama ba, Lucena Mayor Ramon Talaga Jr., Your Honor.
Hindi lamang iilan taong dupang sa pinagbabawal na gamot ang naapektuhan diyan sa Lucena kundi maging karatig-pook ng Quezon ay marami na rin ang tumitira. At kapag walang pambili sa kanilang mga bisyo tiyak magnanakaw, manghoholdap at kung anu-ano pang katarantaduhan ang pinaggagawa.
Naawa ang ilang kuwago ng ORA MISMO sa mga dupang na kababaihan sa nasabing lugar porke kapag walang pera, ang pepe nila ang binebenta. Paging, Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr., Your Honor. Talaga bang hindi mo alam ito?
Ang operasyon ng Super Quick number game ay mas matindi pa sa jueteng operation sa Pampanga porke apat na beses isang araw pala ang bolahan dito. Ang isang parte raw ay pinaghahatian ng mga patong na kamoteng PNP, gagong mga barangay officials at mga tarantadong taga-City Hall. Totoo kaya ito Lucena Mayor Ramon Talaga Jr., Your Honor? Talagang dapat mong malaman ito!
Dapat busisiin ni Mayor Talaga ang isyu ng Chief Kuwago para malaman niya talaga ang katotohanan, sabi ng kuwagong Kotong Cop.
Masyadong abala raw si Mayor Talaga sa kanyang mga constituents para sa ikabubuti ng Lucena City, kaya hindi siguro Niya alam ang isyung ito, angil na sabi ng kuwagong naghuhukay ng kanyang sariling libingan.
Ano sa palagay nyo ang dapat gawin ni Mayor Talaga para talagang mabigyan niya ng pansin ang malalang jueteng at shabu operations sa kanyang nasasakupan? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Dapat talagang pagtuunan ng pansin ni Mayor Talaga ito kasi kapag lumala mahirap nang awatin."
Ano ang dapat?
Sakalin niya ang mga gagong pulis, corrupt na barangays officials at mga ganid na taga-City Hall.
Paano?
Isumbong niya.
Kanino?
Sa mga taong talagang alam ang operasyon pero ayaw talagang pasabi kay Mayor Talaga.
Talagang mahirap iyan.
Talagang-talaga!