Ayon sa aking bubuwit, 28 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Dorothy Perez ng MBC; Bro. Al Obsum, Fayanna Cerillo, Diwata Sanchez Josef at Dr. Walter Juarez.
Binabati ko rin sina RW Nimuel Omillo ng New York Grand Lodge; Bro. Francis Villaluna, Bro. Alex de Venecia, Bro. Hermie Cajes, Kuyang Amang Mariano, Capt. Larry Cruzana at PGM Oca Bunyi.
Paging DILG Sec. Joey Lina. Pakibatukan nga Sir itong tarantadong mayor na ito!
Ayon sa aking bubuwit, marami na sanang negosyante ang nagtayo ng negosyo sa kanyang bayan kung hindi ito nangingikil. Marami na rin sana siyang kababayan na nagkaroon ng hanapbuhay kung hindi sa kanyang pangingikil.
In short, Secretary Lina, itong mayor na ito ay nangungumisyon.
Kung tawagin ngayon ang naturang alkalde ay Mayor 20 percent.
Kasi, ang mga negosyanteng gustong magtayo ng negosyo sa kanyang bayan ay hinihingan niya ng 20 percent sa halaga ng kanilang investment.
Lalagyan din sana ng ibat ibang tindahan at mga restoran katulad ng mga malalaking gas station sa North at South Luzon Expressways.
Nang kausapin ng mga opisyal ng gas company si Mayor para magtayo nga ng gasolinahan, muntik na silang mahulog sa upuan.
Alam mo ba Secretary Lina Sir, kung bakit?
Sapagkat humingi si Mayor ng P20-milyon sa mga opisyal ng oil company.
Grabe ka Mayor, ang siba mo naman!
Ito ang isang dapat lutasin ng Arroyo administration. Meron ngang investor na gustong magnegosyo sa bansa pero kinikikilan naman.
Doon sa P20-milyon na hinihiling ni Mayor, tumawad ang oil company. Sila ay nag-alok ng P10-milyon.
Alam nyo ba ang sagot ni Mayor?
Kahon!
Ayaw ng hinayupak na mayor ang 10-milyon. Ang katwiran ng tarantadong mayor kaya pala siya nangungumisyon ng 20 percent sa mga negosyante ay pinaghahandaan na ang eleksiyon sa May 2004. Ang gagong mayor na ito ay nagbabalak kumandidato sa pagka-governor.
Alam mo ba kung ano ang nangyari Secretary Lina?
Hindi na lamang itinuloy ang pagtatayo ng malaking gasoline station sa kanyang bayan.
Ang mayor na humiling ng P20-milyon sa isang oil company kapalit ng pagpapahintulot niyang maitayo ang gasolinahan sa kanilang bayan ay si
Ito ay si Mayor S. ng Southern Tagalog Region.