Isang magandang halimbawa ay ang nangyayaring pagbabago sa National Home Mortgage Finance Corp. (NHMFC).
Upang mapagsilbihang mabuti at mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, nagbuo ang NHMFC sa pangunguna ng Presidente nito na si Atty. Angelico T. Salud ng isang komite upang imbestigahan ang mga empleyadong may mga reklamo laban sa kanila tungkol sa kanilang mga trabaho. Ang komiteng ito ay naglalayong itaas ang integridad ng mga nanunungkulan at manggagawa sa pamahalaan upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko.
Noong nakaraang buwan, pinirmahan ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang direktiba upang bawasan ang matagal na proseso sa aplikasyon sa pabahay. Layuning mawala na ang nakaugalian nang red tape."
Iimbestigahan ng kometing ito ang mga kasong isinampa na sa Korte laban sa mga empleyadong umanoy gumawa ng katiwalian sa kanilang trabaho. Layunin nitong mapangalagaan ang serbisyo sa publiko at mapanatili rin ang kalinisan ng mga kawani ng pamahalaan. Naglalayon ding ituwid ang mga empleyado at magsilbing halimbawa sa iba pang kawani.