Ngunit hindi apo ang turing ni Sendong kay Ditas. Ni-rape pa nga niya ito ng dalawang beses at napatunayan siyang nagkasala ng walang kaduda-duda.
Sa unang kaso ng rape na nangyari noong 1991, reclusion perpetua lang ang sentensiya sa kanya dahil hindi pa naipapasa noon ang death penalty law (RA 7659). Hindi na niya inapela ang desisyong ito.
Sa pangalawang kaso ng rape na naganap noong August 14, 1995, nang napasa na ang RA 7659, sinentensiyahan siya ng kamatayan kaya itoy awtomatikong dinala sa Korte Suprema.
Sa pagsusuri ng kaso, napag-alaman ng Korte Suprema na tinakot ni Sendong si Ditas sa pamamagitan ng itak. Dinala ito sa tabing-ilog at ginahasa sa kabila ng paglaban at pakiusap nito. Sa akusasyong isinampa hindi inilagay ang relasyon ni Ditas kay Sendong. Hindi rin sinabi na ni-rape si Ditas sa pamamagitan ng paggamit ng itak. Hindi pinaniniwalaan ng mababang hukuman ang depensa ni Sendong na hindi na niya kayang makipagtalik dahil sa kanyang edad. Nasentensiyahan si Sendong ng kamatayan. Tama ba ang sentensiya?
Mali ang sentensiyang kamatayan. Hindi isinaad sa impormasyon o reklamo ang relasyon ni Sendong kay Ditas ganoon din ang pagka-menor ng biktima. Itoy mga sirkumstansiyang nakapagpapabigat upang ang parusa ay maging kamatayan. Sapagkat hindi ito isinasaad, hindi maaaring parusahan si Sendong ng kamatayan.
Bukod dito hindi naman lolo ni Ditas si Sendong. Nakikiapid lang si Sendong kay Mona ang lola ni Ditas. Hindi kasal ang dalawa.
Kamatayan ang parusa kung ang nang-rape ay kamag-anak sa dugo o sa kasal sa ikatlong antas o kayay kalaguyo ng magulang ng biktima. (People of the Philippines vs. Mamac G.R. No. 130332 May 31, 2000)