Mahalagang magkaroon ng pantay-pantay o nasa ayos na mga ngipin sapagkat ito ang nagdidikta sa posisyon ng panga. Kapag ang mga ngipin ay sungki-sungki nadi-dislocate ang ibabang bahagi ng panga.
Sinabi ni Dr. Helen M. Velasco, DMD, kapag nawala sa posisyon ang mga ngipin nagkakaroon ng temporo mandular joint disorder at daranas ng pananakit ng ulo, leeg at likod; makadaranas ng pagkahilo, pamamanhid ng kamay hanggang sa dulo ng daliri. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagngiwi ng mukha, pagkabingi at iba pang nerve disorders. Mawawalan din ng ganang kumain, hindi mapagkatulog, nagiging bugnutin at makadaranas ng pag-ihi sa gabi mula sampu hanggang 15 beses.
Maiiwasan ang pagkasira ng mga ngipin kung pananatilihin itong malinis. Mahalaga ang patnubay ng magulang upang magkaroon ng matibay na mga ngipin ang kanilang mga anak.