Misis ng Metro Manila mayor me love affair sa isang DJ

Alam n'yo bang may love affair ang misis ng isang mayor sa Metro Manila sa isang disc jockey (DJ)?

Ayon sa aking bubuwit, 64 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Ms. Lizel Salgado, Joan Switalski, Roda Miranda ng MBC; Dinia Borillo at Prosecutor Napoleon Remolete ng Parañaque City.

Congratulations kay Engr. Julius Madronio at kay Arnel Doria, VP for Marketing ng Honda.

Binabati ko rin sina Col. Belen ng FEO; Manny Galdo ng Mahl Motors; Tey Sornet ng Toyota Alabang; Camille, Net Garcia, Bong Alejo, Bong Gregorio at Sheryl Ortega ng B-Meg.
* * *
Alam n’yo bang nilalagyan ng ipot sa ulo ng isang misis ang kanyang mister na mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, habang abala si Mayor sa paglilingkod sa taumbayan, iba naman pala ang pinaglilingkuran ng kanyang misis. Walang kamalay-malay si Mayor na ang maganda niyang misis ay kumakaliwa.

Ayon sa aking bubuwit, talagang inlab ang misis ni Mayor sa DJ ng isang FM station sapagkat niregaluhan pa niya ito ng kotse. Noong una, second hand na kotseng Toyota ang kanyang iniregalo. Nang magtagal ang kanilang love affair ibinili niya ito ng isang brand new Honda Civic at condo unit.

Ang suwerte naman ni Mr. DJ! May siyota na, may kotse at may condo unit pa.

Ayon sa aking bubuwit, naaawa siya sa mayor sapagkat kumakayod ito nang husto, pero ang kanyang pinagpaguran ay ginagastos lamang ni Misis sa kanyang lalaki. Nang nagre-report ang aking bubuwit, naaawa ako kay Mayor. Kilala ko pa naman siya.

Biro mo DILG Sec. Joey Lina Sir, kayod nang kayod si Mayor, yon pala’y meron namang ibang kumakayod kay Misis.

Hindi kaya nakukunsensiya itong misis ni mayor?

Ayon sa aking bubuwit, kaya pala madalas mag-out of town itong misis ni Mayor ay sapagkat siya pa ang dumadayo sa kanyang lover boy. Si Lover boy kasi ay DJ ng isang FM station sa isang siyudad sa Visayas.

Ayon sa aking bubuwit, ang misis ng isang mayor na nangangaliwa at nagregalo pa ng brand new car at condo unit sa kanyang lover boy ay si ...

Ito ay ang misis ni Mayor J. as in Janjalani.

Show comments