Pagkaraan ng paglilitis, napatunayang nagkasala si Mar. At sapagkat napatunayan ding anak niya si Delia sa unang asawa, pinatawan siya ng parusang kamatayan ayon sa Sec. 11 RA 7659. Ang hatol na itoy kinumpirma ng Supreme Court noong September 17, 1988.
Noong Sept. 25, 1998, lumabas ang desisyon ng Supreme Court sa ibang kaso (Pp. vs. Ramos G.R. No. 129439) kung saan sinabi ng Korte na sa kasong rape ng isang anak sa una, kinakailangan isaad sa impormasyon o reklamong isinampa ang nasabing relasyon ng biktima sa nambiktima upang masentensiyahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ng mga abogado ni Mar, hiniling nilang buksan muli ang kaso niya at palitan ang parusa sa kanya, sapagkat hindi nakasaad sa impormasyon laban kay Mar ang relasyon niya kay Delia. Maaari pa bang gawin ito?
Maaari, hindi nga nakasaad sa impormasyon laban kay Mar ang relasyon niya kay Delia. Kaya ang reklamo laban sa kanya ay simple at magaang na panggagahasa na may parusang reclusion perpetua (pagkabilanggo hanggang 40 taon) at hindi kamatayan. Ang depektong ito sa reklamo ay hindi maaaring bale-walain. Kahit pa nga napatunayan ang relasyon nila noong nilitis ang kaso, hindi pa rin ito magagamit upang ipataw ang parusang kamatayan sapagkat ang reclusion perpetua na siyang sapat na parusa kay Mar ayon sa impormasyon sa kanya, ay iisa at hindi mahahati upang pabigatin pa.
Bagamat ang desisyon ng Korte Suprema sa ibang kaso tungkol sa depekto ng impormasyon ay lumabas noong pinal na ang desisyon laban kay Mar, maaari pa rin itong gamitin sapagkat anumang batas pabor sa isang akusado ay maaaring bigyang bisa sa nakaraang pangyayaring naganap na (People of the Philippines vs. De los Santos G.R. No. 121906 April 1, 2000).