Makaraan nang isang buwan may ipinagawa sa kanya ang kapitan ng barko na tungkulin ng chief steward at chief master hindi ng tungkulin niya bilang chief cook. Dahil itoy may kinalaman sa pagkuwenta ng mga kailangan sa pagkain sa barko, ipinaaalam ni Merto na hindi niya ito kaya sapagkat mahina siya sa math, at itoy hindi trabaho ng chief cook. Ngunit sinunod pa rin niya ang utos ng kapitan kahit paano.
Tatlong buwan siyang gumagawa ng report ng kuwentang hinihingi ng kapitan. Ngunit nang iutos ng kapitan na baguhin ang mga report na nasumite na niya, nagpaumanhin siyang ipagpaliban ito dahil sa trabaho niya bilang chief cook.
Minasama ito ng kapitan at sinulat sa talaarawan ng barko na si Merto raw ay sumuway sa utos at siyay dapat sisantehin at pababain na sa susunod na daungan. Bumuo pa umano ng isang lupon upang siyay imbestigahan at dinggin ang mga reklamo sa kanya.
Minabuti ni Merto at magsawalang kibo na lang kaya siyay tuluyang tinanggal at pinababa ng barko.
Pagbalik sa Pilipinas, idinemanda ni Merto ng illegal dismissal ang kompanya ng barko. Tama ba si Mamerto?
Tama. Bukod sa walang sapat na abiso tungkol sa kanyang mga pagkakasala at abiso tungkol sa pagtatanggal sa kanya, illegal din ang pagtanggal kay Mamerto dahil walang makatwirang dahilan.
Ang pagsuway niya sa utos ng kapitan ay hindi sapat upang siyay tanggalin dahil ang inutos sa kanyay hindi naman niya tungkulin bilang chief cook. Ang tungkulin niya ay may kinalaman lang sa pagluluto at hindi sa pagkukuwenta ng mga gastos sa pagkain. Sa simula pa, pinaalam na niya na mahina siya sa math at napilitan lang siyang tumupad sa utos. Ang paghinto niya sa pagtupad sa utos ng kapitan ay hindi sapat upang siyay tanggalin sa trabaho.
Ang pagsuway sa utos upang maging batayan ng pagpapatalsik ay kinakailangang sadya at may kinalaman sa kanyang tungkulin bilang isang chief cook.
Kaya dapat bayaran si Mamerto ng pitong buwang suweldo na nalalabi pa sa kanyang kontrata at attorneys fee na P10,000. (Legahi vs. NLRC et. al. G.R. 122240 November 18, 1999).