Pinasok ng tatlo ang kuwarto ni Zorayda at lola niya. Tinutukan sila ng baril, ginapos at nagtanong kung saan nakatago ang salapi. Ni-rape ng isang lalaki si Zorayda habang nakatali sa kama. Nang hinahalungkat ng gumahasa kay Zorayda ang aparador nalaglag ang maskara nito. Nakita ni Zorayda ang mukha nito dahil sa flashlight na dala. Kinaladkad ng lalaki si Zorayda at ni-rape muli sa kusina. Pagkaraan ay tumakas na ang tatlo.
Matapos magsumbong sa mga pulis, nahuli ang mga suspects. Namukhaan ni Zorayda ang isa at itinuro na ito ang gumahasa sa kanya ng dalawang beses. Ang pangalan ng lalaki ay si Ronaldo. Napatunayang nagkasala si Ronaldo. Sa bagong batas, ang rape na may kasamang pagnanakaw ay pinarurusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Maaari bang ituring na ang pangalawang rape ay isang sirkumstansiyang magpapabigat ng parusa upang hatulan si Ronaldo ng kamatayan at hindi lamang reclusion perpetua?
Hindi. Ang ikalawang rape ay hindi masasabing isang sirkumstansiyang makapag-papabigat ng parusa. Sa ilalim ng batas hindi ito isang aggravating circumstance. Totoo ngang mas mabigat ang kasalanan kung dalawang beses nang-rape ngunit ang parusa ay hindi magbabago kahit ilang rape ang ginawa kasama ang pagnanakaw. Kaya reclusion perpetua lang at hindi kamatayan ang kaparusahan ni Ronaldo. Ang karagdagang panggagahasang ginawa ni Ronaldo ay hindi makapagpapabigat sa parusa. Ito ang batas kaya hanggat hindi ito sinususugan, ganito ang parusa ilan man ang rape na ginawa. (People of the Philippines vs Abriol G.R. No. 130508 April 5, 2000).