Mukhang maaga ka yatang umuwi Aling Rosing, tanong ko.
Oo nga, Doktor, sagot nito na parang galit. Kung hindi ay baka makataga ako ng tao.
Bakit naman? Kaya nga ako pumarito at umalis sa klinika ay para umiwas sa mga pasyente. E dito pala ay magtatagaan kayo. Madugong mga kaso pala ang daratnan ko rito.
Bumili kasi ako ng bagong binhi ng sitaw. Iyong tinatawag na bush sitaw. Sabi ng binilhan ko, hindi na kailangan ng kawayan at alambreng paggagapangan. Ang bush sitaw daw ay parang kahoy."
Ano ang problema?
Naloko ako. Ang itinanim kong bush sitaw ay nagkaroon ng baging at gumapang nang gumapang at kailangang lagyan ng kawayan at alambre.
E di bumili ka uli ng bagong alambre at mga kawayan."
Maari kong gawin iyon. Ang hindi ko matanggap ay naloko ako, Doktor."
Dapat niliwanag mo muna ang tungkol sa bush sitaw. Ayon sa mga agrikultor, kapag pangatlong ulit nang itinanim ang bush sitaw babalik ito sa dating binhi at gagapang muli."
Hindi sinabi ng binilhan ko Doktor kaya gusto kong tumaga ng tao.
Biniro ko na lang si Aling Rosing, Kunin mo na lang ang talbos ng sitaw at gulayin mo.